CRN: 9520-100400037986
Ang Pakiki-isa Savings and Credit Cooperative ay itinatag na may layuning bigyang-kapangyarihan ang mga indibidwal at pasiglahin ang katatagan sa pananalapi sa iba't ibang komunidad sa Biñan, Laguna. Ang PSCC ay nakatuon sa pagbibigay ng abot-kayang edukasyon at serbisyong pinansyal na nagsusulong ng pag-iimpok, pagtitipid at responsableng pangungutang.
Sa PSCC, binubuhay namin ang kultura ng bayanihan, kooperasyon, at pagkaka-isa na ang hangarin ay mapabuti ang kalidad ng buhay ng aming mga kasapi.
Sama-Sama Tayong Uunlad! Nagkakaisa Tayong Lumalago!